Home

Advertisement

lihim

  • Sep. 17th, 2008 at 10:37 PM


unti unting nauupos, para kana lang abo,
sumasama sa hangin,
tulad ng usok,
sandaling nagpapakita pero nawawala rin,
ang amoy sa daliri, naiiwan pero kaya mo paring hugasan,
at ikaw,
para kang bisyong hindi ko na maiwasan,



sobrang saya ang nararamdaman ko,
kanina, nung pinag tatapat ko sayo na may anak na ko,
tapos tinanong kita kung gusto mo parin ako, naiiyak na talaga
ako..pinipigil ko lang, . pero naluluha ako.
halo halong emosyon.
nagdadalawang isip. kinakabahan.pero dinabi ko prin sayo.
dahil may tiwala ako, gsuto kita, seseryosohin kita, dahil alam ko, iba ka sa kanila.
ibang iba.
slamat ha,
na tinanggap mo ko kahit na alam niya na hindi ako perpekto,
kung tatanungin mo ako ngayon kung anu bang nararamdaman ko,
hindi kita masasagot, dahil hind ko rin alam kung panu ko ipapaliwanag
na sobrang saya ko sayo,
ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganito.
umiiyak ako kahapon sa harap ni ric, dahil ayokong sabihin sayo na may anak na ako,
dahil ayokong mawala ka,
ayokong lumayo ka,
gusto ko maging akin kana, hanggang sa kaya ko,
mamahalin kita. kayong dalwa ng anak ko,
raiz, sana magtagal tayo, gusto kitang maksama habang buhay. sabihin mo man na korni toh, ilusyon, pangarap, panaginip,
wala akong pakialam.
ang alam ko lang, mahal kita. ikaw ang inspirasyon ko,
pati narin si baby, kayong dalwa,
mahal na mahal ko kayo.
sana wag kanang bawiiin sa akin ni God.
palagi akong nag dadasal na sana maging masaya tayo, gusto ko maging masaya ka sakin.
salamt sa pag tanggap mo sakin. kahit na alm kong gasgas na toh.. gusto kong sabihin..
SALAMAT, MAHAL KITA, DITO KALANG, WAG KANANG AALIS SA TABI KO.

raiz ko.

Tags:

♥ERAIZ

  • Sep. 4th, 2008 at 5:34 AM
si eraiz

nakita ko kanina.,
ayus lang naman,
mukha siyang mabaho at madungis.
pero alam ko,
malinis sya.
mabango.
at birhen.
pooteek.
nangangarap na naman ako.
sapalagay ko,
wala talagang permanente sa mundo.
bukod siguro sa pabagobabgong isip at gusto ng mga tao.


ang hirap humanap ng pag ibig.
mas lalung mahirap humanap ng tao na dapat ibigin.
LOL.
buloks.

grabe naman kasi, di ko naman alam na classmate pala siya ni ric at yollebell, hay.
noon ko pa siya nakikita sa iskul, pero akala ko, higher year sya,
lagi siyang naka scarf sort of thingy, sa leeg. uhm.. hindi ko alam kung bakit sa dami naman ng tao sa iskul,
sa kanya pa ako nagka crush, eh ang dami namang mas may itsura sa kanya.
ah ewan.
basta ako, alam ko,
masaya ko pag nakikita ko sya at least once a day, kahit palagi lang akong palihim na nakatingin sa kanya.!
whahaha :) parang highschool lang eh. ay nako. taman na. antok na talaga ako!
super crush ko talaga un, pero di ko sasabihin sa kanya..
ano ko gago?! isang malaking kahihiyan pag nalaman niya na gusto ko siya!
tsaka..
di naman yata ako type nun.
pero siya.. super super super crush ko talaga. wahaha.
nababaliw na nga yata talaga ako, napapadalas ang pangangarap ko ah.
sana maging akin na si raiz, kahit sa panaginip lang.
hahaha.



cge na cge na.. inaantok na ko. matulog na tayo.


Tags:

HRM tour

  • Aug. 31st, 2008 at 8:21 AM

Aug. 28 2008; random event

nagkaroon kame ng tour sa traders hotel manila, one day seminar. ok naman.
naenjoy ko kahit panu,, pero di ganun kasaya. katabi ko sa bus si cyril,
marami naman akong natutuna. pero hindi worth it ung 3k!
pakshet. di ako nabusog. hahaha.
nag kulitan lang kame dun nila gen,cy, at ung mga classmate kong hindi maarte.
sawang sawa na ko sa MOA, since nung 1st year college pa ako sa manila.
darn it.
nanood nlng kame ng sunset sa manila bay.,
un lang.
tapos nag dinner kame sa highway, tambay nung gabe sa parking lot,
sakay ulet sa bus, soundtrip, tulog,
shit. super sakit ng batok ko.
tangna.. kakalungkot,
di ko lam kung bakit. basta alam ko, malungkot na nung mga oras na un.
o baka nilalamon lang ako ng utak kong inaantok.
kina sheila na ako natulog, sa apartment nila ric, gabi na kasi, walang byahe papuntang nagcarlan.
yun. pagod ako.
pagod na pagod. gusto ko nang kayakap.
tabi tayo!



SUNSET sa manila bay.


sa labas ng traders, ung lalake, extra lang yan. hindi ko rin yan kilala.!


CAMWHORE SA LOOB NG HOTEL. SOBRA SA FLASH!



si wenn, cy at ako. kameng tatlo, mukhang wasted LOL

Parecoi ♥

  • Aug. 26th, 2008 at 4:03 PM
aug.25 2008

simula nung 3rd year HS tayo.
hindi ko maiwasang tumingin sayo,
tumitig. at mapangiti sa tuwing ngumingiti ka. nakakaloko. pero oo. totoo.
ang dami narin nateng napagsamahan.
problema, saya, inuman, tawanan, at mga bagay na hindi ko makakaila.
naging totoo tayo sa isat isa.
pero habang tumatagal.
nararamdaman ko. hindi ito bago.
naghiwalay man tayo ng sandaling panahon. masaya ako ngayon.
bumalik ka. bumalik ako.
pero hindi parin tayo.
may nagawa man tayong hindi dapat.
alam ko hindi naten parehong ginusto.
pero hindi ako magbabago sayo.
katulad parin ng dati.
simpleng tawa, simpleng tropa.
at walang humpay na asaran.
sa tuwing pinag babawalan mo ko.
na gawin ang mga bagay na toh.
lalu akong nauuhaw sa kung anu bang kaya mong baguhin sa akin.
anu kaba? anu ba kita? anu mo ba ako?
gusto kong itanong yan.
pero kahit hindi pa nasasabi ng bibig ko.
nakikita na agad ng mga mata ko ang sagot.
AKO. IKAW. pero hindi tayo.
IKAW, AKO, walang TAYO.

natatawa ako. naaalala ko parin ung mga tawa naten. at ung kakulitan mo.
sana sana. maulet ulet. ung parang katulad ng kahapon.
hilaw, inosente, kulang sa init.

marami narin talagang nag bago.
pero nung naramdaman natin un.
dun ko lang naalala.
pareho tayong tao.
may pangangailangan ka.
may pangangailangan ako.
BABAE at LALAKE.
isang tuwirang tema.
walang halong malisya.
pero nangyari.
ikaw, ako, isa nalang tayo.

tao ka. tao ako.
at nararamdaman ko.
mainit.

--
para nalang tayong mgkapatid ngayon.
alm mo at alam ko. na hindi pedeng maging tayo.
bakit?
kasi ni minsan hindi mo naman talaga ako nagustuhan.
yun ang totoo.
gago. katulad ka rin nila.
masakit mang isipin,
ginagago mo lang din ako.

University Nostalgia + YOU

  • Aug. 23rd, 2008 at 5:52 AM

sobrang saya ng araw na toh. 
opo. masayng msaya ako.
at hindi ko yun ikinakaila sa mga ganitong pag kakataon.

nagpunta ako nang FEU kanina.
nagpass kasi ako for shell art competition. sobrang saya,

sa loob ng kalahating araw. naramdaman ko na fine arts student ulet ako.
hindi ko na siguro maalis sa sarili kong mag drwaing, guwama ng artwork, mag pinta..etc.
andun rin ang mga kapatid ko sa ANAKSINING. pioneers and memvers. todo suporta sila sa mga sasali.

nagpunta kame nang hidalgo ni alfred para magpaprint ng entry para sa digital fine arts category na sinalihan ko. 
isang mahabang lakad mula recto hanggang quiapo. ilang minutong paghihintay.. at kwentuhan na hinding hindi mo talaga makakalimutan.. kahit na maraming maingay na sasakyan ang dumadaan.

kumaen lang kame ng tapis. dahil pareho kameng hinde pa nag aalmusal at tanghalian, mga pasado ala una na un.

pumunta ko nang fine arts bldg.. sa IARFA.. nakita ko ang mga pinaka masasayang tao na pinakamasasayang kasama sa FEU.
lahat sila.. yakap dito.. yakap dun.. yakap kung kani kanino. di na alintana ang pawis.. pagod.. at pagiging abala sa kanya kanyang trabaho.

bumaba ako sa dati naming tambayan.. para makita ko kung nsan ba ung iba ko pang kakilala. ayun. ok naman sila.
busy rin sila sa shell art..
konting kamustahan. at isang oras na pagkamangha sa mga painting na nkahanay at ready nang ipass.
sa totoo lang.
malaki ang pinag bago ng istilo nila sa pag pipinta.. mas magrabo, mas pulido, mas makasining.
natutuwa ako dahil nakita ko na naging masikap ang mga kakalase ko sa ginagawa nila, na nag karon ng pag babago, kahit hindi ko na sila kaklase.. naramdaman ko na kahit pano,, ung mga ksabayan ko.. ay naging magagaling na pintor.

nagpasa na kame sa gilmore. maraming naka pila, pero dahil konti lang ang sumasali sa digital fine arts category.. mabilis lang ako nakapagpass

so aun.
bumalik ako morayta para kunin ung regalo na binigay nila para kay bibi raven,

pasado alas siete na akong nakasakay sa bus,
naiisip ko sila.
*mahabang tulog*
ngising na ako malapit s babaan. buti nlng hindi ako lumampass.. kundi.. naku.. yari ako.

habang nasa jip ako papunta smin. hindi ko maiwasang mapangiti sa jip. naalala ko parin ung mga nangyari buong araw.

tinetext ko si...... pero di sya nag rereply.. pero gsuto kong mkipag kita sa kanya.. kaya lang.. wala eh. di na nya ako pinapansin. ayoko nang magmukhang tanga ulet.


KAMBAL GENE PAUL MARTIN
MANG ALPREDDDO / ALPRED ONG
MIN
MEC
MON
BHEST KENJOT
NINI
EMAN
MARKKUS
DANIEL
ELA
TEO
KUYA RAP
ROLF
KEN
JAYSON
JOYAH
ANAKSINING
KUYA VLAD
KUYA GARY
ATE NIMO
KUYA JACOB
PETER ADAM
ELCID
CRIS
KUYA JOBERT
KUYA GARY

MARVS--
COCO
MAICA
PATRICK
VITUG
OSO

MGA GUARD NA MASUNGIT AT PATI NARIN KAY BARNEY.

CHADD,ARMIN,NINI--SLAMAT SA REGALO NIO KAY RAVEN.

ILAN LANG YAN SA MGA TAO NA NAKAPAG PASAYA NG ARAW KO. YAY!

P.S.
HANGGANG NGAYON NAAALALA KO PARIN MGA KALOKOHAN NAMEN NUNG FRESHMEN KAME,

hindi ako masyado nag susulat ngayon. wala akong ganang mag kwento. at ayoko sanang mag kwento ng mga bagay na hindi naman masayang basahin. pero ngayong araw na ito. hindi ko na talga kaya, mabigat ang loob ko, wala akong malapitan, abala ang lahat, at ayaw kong aksayahin ang oras ng iba para lang makinig sa mga reklamo, hinaing at mga ngungut ko sa buhay.

nakakainis ang bahay namin. literal. bahay talaga, napaka gulo, maraming gamit, dahil sa mga nag lipat ng bahay mula sa kalapit naing apartment, nakisuyo muna silang magpalagay ng gamit, at dahil miss congeniality ang nanay ko pag dating sa mga ganyang bagay, pumayag siya. NAKAKAINIS. SEMI JUNK SHOP na ang itsura ng bahay namin.

ANG BUHAY SA UNIBERSIDAD.
sa totoo lang, araw araw akong may gana para pumasok, gusto ko kasing makapag aral mabuti ngayong taon, wala na kaming pera, kelangn ko nang makatapos, naiinis ako sa eskwelahan ko ngayon, ang pasilidad, mga guro at mga eskwela ay sadyang walang sistema, halos araw araw walang klase, naiinis ako, kung ung iba natutuwa, pwes ako naiinis, wala akng natututunan. as in wala. kung meron man, konti lang. at oo, totoo lahat ng sinasabi ko, mas matalino ka pa sa titser ko, at ung mga kakalase ko ay ganun din. wala silang sense. malayong malayo sila sa dati kjong iskwelahan at sa mga tao na nakasama ko dati.

ANG BUHAY SA BAHAY.
well, whats new? away-bati-away kame ni mudrakells. minsang hindi ko nalang pinapansin, alam ko naman kasi na matnda na siya, menopause na at nasosobrahan lang siya ng pakikinig ng drama sa radyo kaya niya ko pinapagalitan, na carried-away lang sya sa kwento ni doctor love. omaygad. 

ANG BUHAY SA KALYE.
ang araw na araw kong pag byahe mula sa iskwela at bahay ay sadyang nakakaburaot na. halos isang oras na byahe, isang baldeng pawis at usok ang natatamo ko araw araw, pero kahit ganun, gusto ko parin pumasok, hindi ako tinamad. bakit? dahil gusto kong matuto. un nga lang. ung eskwelahan ko. mas bulok pa sa kuko ng aso nio. bwiset.

KAIBIGAN,
sa ngayon. wala akong malapit na malapit na kaibigan, dahil ung dalwang tao na pinag kakatiwalaan ko sa lahat ng sikreto ko, parehong abala sa buhay, parehong malayo sa akin,  si behst kenjot at si jenipot.

PAG IBIG.
ano yan? next topic..

KALUSUGAN
ilang araw na akong kulang sa tulog. insomia toh,  ayaw parin nila akong tantanan, anjan narin ang paminsan minsan na migraine at pag sakit ng balikat. 

MUNDO.
as usual. bilog parin

SHOWBIZ.
ang kagalang galang na singer/ rapper/ song wirter at makabayan na si francis m. May leukemia. nakakalungkot pero sana malampasan niya ang pag subok na iyon. omaygad.concern ako.

HAYOP.
tao ba sila? ay sorry! akala ko kasi ung tao na asal hayop.

PILIPINAS
may malaking sirkus sa economiya at pamahalaan. ayoko nang problemahin yan pero sabe ng aso namin, ipagdasal ko nalang daw na sana umunlad man lang ng konti ang buhay ng mga pinoy.

SI ATE.
asar si ate. hindi parin nagigising sa katotohanan. Lord, please. wag mong hayang mapariwara si ate. wag mo siyang ibigay kay batman!

SI BUNSO
ayun, grabe dahil join forces na sila ni mama sa pang aapi sa akin. asar sya!

AKO.
akshuli. ayoko na talagang mabuhay. pero nang hihinayang ako. mag 19 na kai ako, sayang naman ung labing walong taon na pag titiis ko. hell yeah. nakakatawa pero ako talaga pinupuntirya ng mga problema. pero hallur. PROBLEMS?! hindi na uso yan! tae ka!

natatawa talaga ako ngayon pero inis na inis na ako. bakit? natatawa ako dahil pagod ako pero gusto ko pang mabuhay. tinatamad na ako pero ayaw ko mag quit, at higit sa lahat, ung gusto kong tao .. ayaw naman sa akin.! anu ba yan.

pacheeseburger ka naman!

D.

  • Aug. 15th, 2008 at 4:19 AM

naiisip mo rin kaya ako?
:(

strange comfort

  • Aug. 13th, 2008 at 8:53 PM





just because.

im legal, old enough.

and because everyime i smoke, i just can help it.

your smell lingers, the smoke i puff, in my lips, between my fingers, in my lungs, deep within my throat.
 

About

  • Aug. 11th, 2008 at 9:44 AM

Hell-o. People call me Lorraine, Lorz, Raine, Ren. whatever..
Im petite, has 5 body piercings, getting used to a messy hair, and  not beautiful but I still look better than your dog.
I smoke for about 3years now, on and off,  weeds, and some liquors.
currently living in a rural place that is dug deep underground, *this includes trees, sunset, fresh air and swarm of birds in the sunrise time of the day*
The unusual living, crappy lifestyle, collections of humongous failures Risk – taking. Firm decisions and variable dreams.
I use to like people, thou I find them strange.
For the next seven minutes I can be your scratch paper, shock-absober, antagonist, astronaut, mad scientist or even an ink spill.
Many of the one’s I cherish always said Im pretty INTIMIDATING, FRANK, MATARAY and SNOBBISH. Well, yeah.. who care’s anyway? 
Prefers to be alone, watch movies , eat, sing, smoke, coffee break ALL ALONE.. Independent for the whole matter.
But never fails to make friends, share a burst-out-your-lungs-hahaha humors and loves intellectual kind jokes. Sensible conversations will do.
and im glad im able to find some REAL FRIENDS.
Laught trip.
Nostalgia hits me, almost half of my life, im sentimental, i treasure things, people, places, events, moments, from the most simple to the most extravagant. I MISS THE OLD TIMES. the Old jolly times.
The reticent bashful, the sluggish zealous, long time pessimist, and your 7th- lalala sweet cake. Amongst the conservative, im pretty liberated. Always against the flow.
I cuss and make rants most of the time. I get a bit stingy, rough of the edges but still your cuddly little dinosaur.
I kick faces and punch human abdomens . Literally.
I paint, draw, photograph most of the time, exhaustion for depression, disappointments and unwanted transitions.
not the wife-material girl of your dreams. but I can wash the dishes, laundry for a time, and cooks a heart-warming meal. LOL.
Finds time to chat with God and his heavenly friends, no matter how busy the day is.
I have a bunch of random thoughts everyday, unsaid emotions, day dreams, hopes and pile of ideas all buried in my head.
Im very firm. I hate ill-timed changes, long distance relationships and imposibilities. Im very exhausted. Im using a wrong grammar. I speak bad words and constantly murmur curses. Bye.

And oh I forgot.
Im very in love with a painter or mr. brightside.  even if he doenst love me back, I think of him every now and then and serves as one my wasted inspirations for my everyday living *sighs*

And pls. don’t tell him that I like him. Because I really do.
♥ :) 

----
*this is something i worte on my friendster profile a few days ago. 
its too long.
and i hate it.
spoiler.
 
---
*just for keeps.

CHIN CHUN XU

  • Aug. 10th, 2008 at 1:17 AM
ito ung pampahid sa mukha.
ginagamit ng mga labandera, mga matrona,
kadalasang nakalagay sa kulay pink na lalagyan.
 
apply to your face, night and day.
masa mganda kung gagawin mo ito habang nag babasa 
ng romance pocket books at kumakanta ng "remember me" ni renz verano.

maininam itong pampauti, pampakinis, pampaganda.
lalu na kung gusto mong maging kamukha ka ng mga artista.
puting di pantay sa leeg at katawan. pero sakto lang, magdadamit ka naman.

kunis na makinis, hinahangad ng lahat,
puting wlang kaparis. kutis artista. 
ugaling di mganda, kasing itim ng grasa.
may mga tao na mas gustong pumuti ang balat kesa ang kaluluwa.
kelang nga kaya tayo matututo?
sa pag pili ng tao?
kung ang basehan ay pisikal na itsura,
panu naman  kaming hindi masyadong maganda?
palagi nalang bang maeetsepwera.?
sana sana. 
magbgo ang pananaw mo.
sa kaibigan, kapamilya, kalahi, o kahit sa pag tanggap sa trabaho.

hindi lang sa kulay ang basehan ng lahat,

bili na nang chin chun xu, kinse pesos lang,
at magkakaron ka ng puting di na mabubura.!


BOW.


----
panget ang araw na ito.
nakakapagod.
nakakalungkot.

---
kaarawan ngayon ng bunsong utol ko. kahit na nakakainis syaat madalas kaming mag away.
mahal ko parin sya. iwww! kadirsss!
sana matupad nya lahat ng  pangarap niya.